Dalawang Skyway officers sugatan nang barilin ng sinitang motorista

Sugatan ang dalawang opisyal ng Skyway makaraan silang barilin ng dalawang hindi pa nakikilang motorista na kanilang sinita.

Ayon sa Parañaque City police, nangyari ang insidente alas 7:45 ng gabi ng huwebes, Oct. 31.

Kinilala ang mga nabaril na sina Rexie Talingdan, Skyway traffic enforcer at si Ronie Delos Santos, security officer.

Lumalabas imbestigasyon na pinara ni Talingdan ang suspek sakay ng motorsiklo dahil bawal ang sasakyan nito sa expressway.

Pinahinto nito ang rider pero sa halip na huminto ay dumere-diretso ito ng andar dahilan para magkahabulan.

Habang hinahabol ni Talingdan nakita niya si Delos Santos sa bahagi ng Skyway patungong NAIA kaya hiningi niya ang tulong nito na nakihabol na rin sa suspek.

Nang masukol at aarestuhin na sana ay naglabas ng baril ang rider at pinaputukan ang dalawa.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Bicutan Skyway exit.

Dinala naman sa Parañaque Doctors Hospital sina Talingdan at Delos Santos.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng caliber 9mm pistol.

Read more...