Miss Universe 2019 gaganapin sa Atlanta, Georgia

Sa Atlanta, Georgia gaganapin ang susunod na Miss Universe Pageant.

Inanunsyo ito ng Miss Unvierse Organization sa kanilang social media.

Ang pageant ay magaganap sa Dec. 8, 2019 sa Tyler Perry Studios kung saan isasalin ni Miss Universe Catriona Gray ang kaniyang korona sa hihiranging Miss Universe 2019.

Una nang inanunsyo ng Miss Universe Organization na ang hihiranging queen ngayong taon ay magsusuot ng bagong “Miss Universe Diamond Crown”.

Gawa ito ng world-renowned luxury jeweler na Mouawad.

Read more...