LOOK: Mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa All Saint’s Day at All Soul’s Day

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy sa paggunita ng All Saint’s at All Soul’s Day ngayong araw at bukas.

Ayon kay Pangulong Duterte sa paggunita ng Undas, binibigyang pag-alala ang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng panalangin para sa kanilang kaluluwa.

Binabalikan din ang kanilang mga ala-ala noong sila ay nabubuhay pa.

Sinabi ng pangulo na inaalala rin ang mga naiambag ng mga santo na patuloy na nagbibigay-gabay sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

Ayon sa pangulo, nawala ang paggunita ngayong taon ay makapagpatibay pa sa pananampalataya ng mga Pinoy at mas mapanatili pa ang ating mga tradisyon.

Read more...