DOJ iimbestigahan ang pamamaril sa broadcaster sa Sultan Kudarat

Iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pamamaril sa broadcaster na sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, bubuo ng special investigating team ang DOJ na magsisiyasat sa pananambang kay Benjie Abdul Caballero.

Si Caballero ay station manager ng “Radyo ni Juan” sa Sultan Kudarat na tinambangan ng riding-in-tandem sa Tacurong City noong Miyerkules.

Patuloy pang ginagamot sa ospital si Caballero ayon kay Maguindanao Representative Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sinabi ni Guevarra na makikipag-ugnayan ang DOJ sa law enforcement agencies sa gagawin nilang imbestigasyon.

Read more...