LGUs pinakikilos ni Pangulong Duterte para magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali matapos ang magkakasunod na lindol sa Mindanao

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng local government units (LGUs) sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali na kanilang nasasakupan.

Ayon sa pangulo, dapat agad magsagawa ng pagsusuri sa mga gusali at pasilidad para matiyak ang structural integrity matapos ang magkakasunod na malakas na pagyanig.

Nasa kaniyang bahay sa Davao City ang pangulo nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol Huwebes ng umaga.

Nadulot ito ng bitak sa bahay ng pangulo.

Ayon sa pangulo, ngayong araw, ay sususriin ng Presidential Security Group ang kanilang tahanan para masigurong ligtas ito.

Read more...