Crowd estimate sa Manila North Cemetery umabot na sa mahigit 130,000

Umabot na sa mahigit 130,000 ang crowd estimate ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Manila North Cemetery.

Alas 10:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 1 sinabi ng MPD na nasa 134,000 na ang naitalang nasa loob ng sementeryo.

Tuluy-tuloy naman ang serbisyo lalo na sa mga PWD at nakatatanda na pinagkakalooban ng libreng sakay papasok sa libingan.

Ang iba ay pinasasakay sa e-trike habang ang iba ay isinasakay sa wheelchairs ng Manila Health Department.

Sa pagtayang MPD, aabot sa 1.8 million na katao ang dadagsa sa Manila Cemetery sa paggunita ng Undas 2019.

Mas mataas kumpara sa 1.6 million na nagtungo sa sementeryo noong nakaraang taon.

Read more...