Sa datos ng Manila South Cemetery, alas 9:00 ng umaga ay umabot 22,500 ang crowd estimate sa loob ng sementeryo.
Mas marami na ito kumpara 18,000 katao na naitalang bumisita sa sementeryo kahapon, October 31.
Maayos naman ang ipinatutupad na proseso at seguridad sa sementeryo.
Ang mga batang pumapasok ay nilalagyan ng nametags para sakaling sila ay mawalay ay madali silang maipanawagan.
Kabilang naman sa mga nakumpiskang bawal na gamit ay mga pabango, rubbing alcohol, sigarilyo at matatalas na bagay.
Binuksan na rin ang pansamantalang entrance sa Kalayaan Avenue at Metroplitan Avenue.
Naglagay ng metal na hagdanan para makaakyat ang mga tao sa pader papasok ng sementeryo upang hindi dumamami at humaba ang pila sa main entrance ng libingan.