LOOK: Traffic situation sa SLEX at NLEX

Walang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa south at northbound lane ng South Luzon Expressway sa kasagsagan ng morning rush hour ng November 1.

Sa abiso ng Toll Regulatory Board, alas 8:00 ng umaga, light traffic sa Alabang viaduct.

Alas 8:01 ng umaga light traffic din sa Calamba Toll Plaza.

Samantala, mas maraming motorista naman ang bumiyahe sa North Luzon Expressway Biyernes ng umaga.

Ayon sa TRB, pasado alas 7:00 ng umaga ay masikip ang daloy ng mga sasakyan sa NLEX dahil sa dami ng mga motoristang uuwi sa mga lalawigan.

Alas 8:04 ng umaga naman sinabi ng TRB na katamtaman ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng Balintawak Toll Plaza.

Read more...