Sa abiso ng Coast Guard, mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng November 1 ay nakapagtala ng 41,948 na pasahero sa iba’t ibang mga pantalan.
Pinakamaraming bumiyaheng pasahero sa Central Visayas na umabot sa 25,200 mula sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, at Southern Cebu.
Sa Southern Tagalog naman umabot sa 7,061 ang naitalang pasahero sa mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occiddental Mindoro, Romblon at Northern Quezon.
Sa South Eastern Mindanao ay 2,029 ang naitalang pasahero sa Davao at Igacos.
Libu-libong mga pasahero na rin ang bumiyahe sa mga pantalan sa NCR, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Southern Visayas.