Crowd estimate sa Manila North Cemetery umabot na sa 20,000

Dagsa na ang publiko na pumapasok sa Manila North Cemetery ngayong November 1, All Saint’s Day.

Sa pagtaya ng Manila Police District (MPD), alas 7:00 ng umaga ay umabot na sa 20,000 ang crowd estimate sa sementeryo.

Alas 6:30 ng umaga ay nagsimula nang humaba ang pila ng mga papasok sa Manila North Cemetery.

Nananatili namang mataas ang police visibility sa loob at labas ng sementeryo.

Marami na ring nakukumpiskang mga bawal na gamit kabilang ang mga bote ng pabango, rubbing alcohol, sigarilyo at lighters.

Read more...