Ayon kay US President Donald Trump, si Conan ay nakatakdang parangalan pagbalik nito ng Amerika mula sa kaniyang misyon sa Gitnang Silangan.
Si Conan ang humabol kay Baghdadi hanggang sa makarating ito sa dead-end ng tunnel sa kaniyang hideout sa Syria kung saan doon na napilitan ang ISIS leader na i-detonate ang suot niyang suicide vest.
Nasugatan si Conan sa mga kable ng kuryente na na-expose matapos ang pagsabog.
Sa ngayon nagpapagaling si Conan at inaasahang makaka-recover na sa susunod na linggo.
MOST READ
LATEST STORIES