Mula sa inisyal na planong patakbuhin lamang hanggang October 31 ang train set ay pinalawig ito hanggang sa November 30.
Layon nitong maobserbahan pang mabuti ang performance ng Dalian train set sa linya ng MRT-3.
Ipinagmalaki naman ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na mula nang patakbuhin ang Dalian train set sa linya ay walang naitalang isyu o aberya.
Nagpahayag pa anya ng kasiyahan ang mga mananakay ng nasabing tren.
“Wala naman pong issues na lumabas. Noong tinanong po namin ang aming mga mananakay at satisfied naman po sila sa pagsakay at pag-launch natin ng Dalian train,” ani Dir. Capati.
Kayang magsakay ng isang set ng Dalian train ng 1,050 pasahero kada biyahe.
Samantala, posibleng pansamantalang suspendihin ang deployment ng Dalian train sakaling magsimula na ang pagpapalit sa riles ng MRT-3.