Phivolcs nanawagan sa publiko na huwag magkalat ng fake news ukol sa lindol

Umapela ang Phivolcs sa publiko na huwag magpakalat ng pekeng balita at impormasyon ukol sa lindol.

Sinabihan ng ahensya ang mga mamamayan na huwag maniwala at magbahagi ng mga balita sa social media na mula sa hindi kumpirmado at hindi maaasahang source.

Pahayag ito ng Phivolcs matapos kumalat ang FB post ukol sa umanoy posibleng pagtama ng magnitude 8 na lindol sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng malakas na lindol sa rehiyon.

Itinuring na fake news ang naturang post na ang umanoy source ay regional director.

Ayon sa Phivolcs, para sa lindol update ay dapat na i-follow lamang ang kanilang opisyal na Facebook page at Twitter gayundin ang website nilang www.phivolcs.dost.gov.ph.

 

Read more...