Patay sa dalawang lindol sa Mindanao ngayong linggo umakyat sa 14

Umabot na sa 14 ang opisyal na bilang ng nasawi sa magnitude 6.6 at 6.5 na lindol na yumanig sa Mindanao nitong Martes at kahapon, araw ng Huwebes.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Huwebes ng gabi, 14 ang nasawi, 403 ang nasugatan habang dalawa pa ang pinaghahanap.

Ang mga namatay ay mula sa Northern Mindanao, Davao del Sur, Soccksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inilabas din ang pagkakakilanlan ng mga nasawi:

Cotabato:

Samuel Linao Andy

Renee Corpuz

Marichelle Morla

Patricio Lumayon

Pao Zailon Abdulah

Isidro Gomez

Cesar Bangot

Romel Galicia

Precilla Verona

Juve Gabriel Jauod

South Cotabato:

Nestor Narciso

Davao del Sur:

Jessie Riel Parba

Benita B. Saban

Romulo Naraga

Ang mga sugatan naman ay mula sa Northern Mindanao (14), Davao del Sur (16), Soccsksargen (371) at BARMM (1).

Ang mga nawawala ay mula sa Davao del Sur na sina:

 Gilbert Suprales

 Miggy Attic

Umabot na sa 2,817 ang bilang ng imprastraktura na nasira ng mga pagyanig.

Magugunitang noong October 16, tumama rin ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao na ikinasawi ng hindi bababa sa anim na tao.

 

Read more...