Ito ay base sa paunang ulat sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ng Task Force Energy Resiliency (TFER).
Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi, nagkaroon na ng technical adjustments at pansamantalang inilipat muna ang supply ng kuryente sa Tacurong Substation upang maibalik agad ang kuryente sa nasabing lugar.
Maliban dito, wala ng iba pang napinsalang transmission facilities or high-voltage equipment ng NGCP sa mga lugar kung saang naramdaman ang malakas na paglindol.
Tiniyak naman niya na nananatiling maayos ang supplay ng kuryente sa Mindanao.