Taas-presyo ng LPG epektibo na

Epektibo na ngayong araw ang taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petron, 30 centavos kada kilo ang dagdag sa presyo ng kanilang LPG.

Mangangahulugan ito ng P3.30 na dagdag sa presyo ng kada 11 kilogram na LPG cylinder.

Epektibo ang taas-presyo alas 12:01 ngayong madaling-araw, Nov. 1.

May dagdag din 20 centavos ang Petron sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

Samantala, nag-anunsyo na rin ng P0.24 kada kilo na taas-presyo sa LPG ang Solane.

Epektibo namana ng taas-presyo ng Solane mamayang alas-6:00 ng umaga.

 

 

 

Read more...