PCG nakapagtala ng 82,984 pasahero sa bisperas ng Undas

Tulad ng inaasahan, marami ang humabol para makauwi sa kani-kanilang mga probinsya araw ng Huwebes, bisperas ng Undas.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi, umabot sa 82,984 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Buhos ang bilang ng mga pasahero sa Central Visayas (Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes) na nakapagtala ng 22,947.

Sumunod naman ang Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras) na umabot sa 14,902 ang mga pasahero.

Habang marami rin ang pasahero sa Southern Tagalog (Batangas, Oriental Mindoro, Souther Quezon, Occidental Mindoro at Romblon) na umabot sa 9,667.

Inaasahang muling dadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa sa November 3 at 4 dahil sa pagbabalik ng pasok sa eskwela at opisina.

Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng PCG para sa kaligtasan ng mga pasahero sa ilalim ng OPLAN BIYAHENG AYOS: Undas 2019.

Read more...