PCG, nagsasagawa ng rescue at relief operations matapos ang lindol sa Mindanao

Inanunsyo ng Philippine Coats Guard (PCG) na nagsasagawa sila ng rescue at relief operations matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, North Cotabato noong Martes.

Ayon kay Capt. Armando Balilo ng PCG Public Affairs Office, Huwebes ng gabi umalis papuntang Davao City ang dalawang barko ng PCG na lulan ang medical teams at K9 search and rescue dogs.

Bukas anya ang PCG sa publiko na gustong mag donate ng pagkain, tubig at mga hygiene kit.

Maliban dito, sinabi ni Balilo na kailangan din ng mga tents at trapal para gawing pansamantalang tirahan ng mga nawalan ng bahay.

Kailangan din anya ng banig, mosquito nets, mga tubo para sa tubig, mga gamot at water purifier.

 

Read more...