Kadete ng PNPA naospital dahil sa umanoy hazing

Isa na namang hinihinalang kaso ng hazing ang naiulat matapos isugod sa ospital ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa pananakit ng tiyan.

Ayon kay PNPA Public Information Office chief Police Lt. Col. Byron Allatog, iniimbestigahan ang lahat ng posibleng anggulo kaugnay ng pagka-ospital ni Cadet 4th Class John Desiderio.

Posible anya itong kaso ng maltreatment pero wala pang pahayag mula mismo sa naospital na kadete.

“It could be a possible case of maltreatment but we are awaiting still for the statement of the cadet to confirm thoroughly,” ani Allatog.

Nabatid na sumakit ang tiyan ni Desiderio noong Martes ng umaga.

Unang dinala ang kadete sa PNPA dispensary pero inirekomenda ng doktor na dalhin ito sa PNP Hospital.

Kalaunan ay inilipat si Desiderio sa East Avenue Hospital sa Quezon City.

 

Read more...