DOLE team susuriin ang mga establisyimento sa Mindanao matapos ang lindol

Presidential Photo

Nagpakalat na ng team ang Department of Labor and Employment (DOLE) para siyasatin ang ilang establisimiyento sa Mindanao matapos ang magnitude 6.6 na lindol.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na susuriin ng kanilang mga tauhan kung nakasunod ang mga gusali sa occupational at health standards.

Maglalaan din aniya ng pondo para makapagbigay ng employment at livelihood assistance sa mga apektadong manggagawa.

Nagpadala na rin aniya ng senior labor officials para mag-assess sa kabuuang sira sa rehiyon.

Inatasan aniya nya sina Undersecretary Ana Dione at Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez para pangunahan ang mga regional DOLE official sa lugar.

Dagdag pa ni Bello, personal niyang aalamin ang epekto sa trabaho ng mga manggagawa sa lugar sa araw ng Linggo, November 3.

 

 

 

Read more...