Tinapos na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa pagpatay ng 44 na commandos ng Special Action Force o SAF 44.
Ito’y makaraang sabihin ng NBI na hindi na ito sasagot pa sa counter-affidavit na inihain ng mga respondents sa reklamo. Una nang inihain ng NBI ang reklamong complex crime of direct assault with murder laban sa 90 mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front matapos ang madugong Mamasapano incident noong nakaraang taon.
Sa 90 respondents na inirereklamo, apat lamang ang naghain ng kanilang counter-affidavit.
Gayunman, sa kabila ng pagtatapos ng imbestigasyon, sinabi ni Assistant State Prosecutor Alexander Suarez na wala pang eksaktong petsa kung kailan ilalabas ang resolusyon sa nasabing kaso.
MOST READ
LATEST STORIES