Iniurong sa January 27 imbis na sa January 25 ang muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa Mamasapano incident.
Ito ay alinsunod na rin sa pakiusap ni Philippine National Police (PNP) Director Gen. Ricardo Marquez, dahil may gaganapin ring commemoration activities ang PNP bilang pagbibigay pugay sa kabayanihan ng SAF 44 comandos na nasawi sa engkwentro.
Dahil dito, nagdesisyon si Sen. Grace Poe bilang chairman ng Senate committee on public order na iurong ang petsa para makapunta sa imbestigasyon ang mga inimbitahan mula sa PNP.
Ang re-investigation sa Mamasapano encounter ay hiling ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
MOST READ
LATEST STORIES