Mga tao sa gumuhong hotel sa Kidapawan City, ligtas na nailikas

Ligtas na nailikas ang mga tao sa isang hotel sa Kidapawan City, Huwebes ng umaga (Oct 31).

Ito ay matapos gumuho ang Eva’s Hotel sa Kidapawan City bunsod ng yumanig na magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na walang na-trap na tao sa hotel.

Nangako naman ang ahensya na patuloy na tututukan ang sitwasyon sa rehiyon.

Ayon sa Phivolcs, intensity 4 ang naramdaman sa Kidapawan City matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan, North Cotabato pasado alas nuwebe ng umaga.

Read more...