Nasa kanilang bahay si Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang pagyanig kung saan ay kinakitaan rin ng ilang bitak ang ilang bahagi nito.
Sa inilabas na pahayag ng Malacanang, sinabi ni Presidential Salvador Panelo na tuloy sa kanyang byahe sa Thailand ang pangulo para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit.
Ipinaliwanag rin ng kalihim na hindi na muna makikialam ang pangulo sa trabaho ng ilang local officials sa pangangalap ng mga dagdag na detalye sa trahedya.
“The President, however, deems it appropriate to refrain from personally inspecting the disaster-stricken areas and directing actions in response to the catastrophe as there are already ongoing operations by the responsible local government units, and they have so far effectively responded to the current critical situation”, ayon pa kay Panelo.
Bukas ng hapon nakatakdang bumiyahe ang pangulo papunta sa Thailand.