Ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas-3:34 ng hapon ng Huwebes (October 31), iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Quezon, Batangas, Laguna at Cavite.

Mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Uulanin ang bahagi ng Mauban, Atimonan at Pagbilao sa Quezon; Calatagan sa Batangas; San Pablo at Rizal at Laguna.

Apektado din ang bahagi ng Magallanes, General Emilio Aguinaldo, Maragondon, Indang at Alfonso sa Cavite.

Payo ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...