Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Manila South Cemetery administrative officer Raffy Mendez na mayroong feature sa website kung saan maaaring malaman ang lokasyon ng mga yumao nilang kamag-anak.
Kailangan lamang ilagay ang apelyido ng patay para mahanap ang lokasyon nito.
Maliban dito, sinabi pa ni Mendez na mayroong livestream ang website na makakatutok sa dalawampu’t limang ektaryang sementeryo.
Makikita rito ang kuha ng CCTV sa loob ng libingan.
Sa tulong nito, posible nang malaman ang mga insidente ng pagnanakaw sa loob nito.
Dagdag pa ni Mendez, mayroon ding alok na libreng wi-fi para sa mga bibisita para mapuntahan ang kanilang website.
Inaasahang aabot sa mahigit isang milyon ang bibisita ngayong Undas sa nasabing sementeryo.