Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa 18,000 mga barangay sa bansa ang apektado pa rin ng illegal drugs.
Ipinaliwanag ni PDEA chief Director General Aaron Aquino na target nilang gawing drug-free ang kabuuang 18,712 barangays bago sumapit ang 2022.
Ang nasabing bilang ay kumakatawan sa 44.5% ng kabuuang 42,045 barangay sa bansa na apektado pa rin ng iligal na droga.
Sa kabuuan ay 278 barangay ang maituturing na “seriously affected” ng droga ayon pa kay Aquino.
Sa tala ng PDEA, ang Metro Manila pa rin ang rehiyon na siyang may pinaka-malaking problema sa droga.
Kaugnay nito, sinabi ni Aquino na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials para matunton ang illegal drug sources sa kani-kanilang mga nasasakupan.