Filipina beauty vlogger Michelle Dy sinagot ang bwelta ni international make-up artist Jeffree Star

Tahasang sinagot ng Filipina beauty vlogger na si Michelle Dy ang bwelta ng international make-up artist na si Jeffree Star ukol sa kaniyang bagong produkto.

Sa Twitter, inihayag kasi ni Jeffree na hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sa aniya’y ‘trash’ o basura na produkto para sa kaniyang YouTube channel.

Sagot ni Michelle, maaari siyang tawaging ‘trash’ ngunit hindi ang kaniyang make-up brushes at beauty blenders na “Michelle Dy Basics.”

Hindi lamang kasi aniya siya kundi marami ang nagtrabaho para mailabas ang nasabing produkto.

Kung hindi man pumasa sa standards ni Jeffree, wala na aniya siyang magagawa rito.

Isang bagay lamang aniya ang nakatitiyak siya. Ito ay ang paghihirap niya at paglalaan ng buong puso para magawa ang produkto.

Bwelta pa ni Michelle, proud siya sa kaniyang mga produkto.

Umani naman ng sari-saring komento mula sa mga netizen ang tweet ni Michelle.

Read more...