Ilang mga pasahero ng MRT, LRT at PNR nabigyan ng Malasakit kits

Sinimulan na ang mamimigay ng mga Malasakit Help Kits sa mga pasahero ng tren.

Sa mga larawang ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr), ipinamahagi ang Malasakit Help Kits sa mga senior citizen na bumibiyahe.

Bahagi ito ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019” ng kagawaran.

Laman ng mga kit ang ilang pagkain, tubig, wipes at foldable fans.

Kabilang sa mga nagbenepisyo sa mga kit ay ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa bahagi ng North Edsa, Shaw, Ayala at Taft Avenue stations.

Namahagi rin ng Malasakit Help Kits sa ilang istasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Blumentritt, Tutuban, Alabang at Dela Rosa stations.

Read more...