May paalala ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga bibiyahe pauwi sa mga lalawigan ngayong Undas.
Hinikayat ng BAI ang mga pasahero na huwag nang magdala ng anumang pork product sa bus.
Nagkabit ng mga poster ang ahensya sa iba’t ibang panig ng Araneta Bus Terminal sa Quezon City para paalalahanan ang mga pasahero.
Layon anila nitong maiwasan ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa iba’t ibang probinsya.
Kasabay nito, nagpatupad ng mas mahigpit na pagsusuri ang pamunuan ng Araneta Bus Terminal para matiyak na walang maibibiyaheng karne ng baboy sa mga lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES