Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga patay sa naganap na magnitude 6.5 na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao pasado alas-nueve ng umaga kanina.
Sinabi ni Maimai Balmediano, information officer ng Office of Civil Defense Region 12 na patuloy ang pag-ikot ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang mga lugar para alamin ang lawak ng pinsala ng naganap na pagyanig.
Sinabi ni Balmediano na ang mga naitalang naunang tatlong patay ay mula sa bayan ng Makilala town sa Cotabato.
Marami rin ang naitalang nasaktan sa pagyanig pero wala pang eksaktong bilang ang mga otoridad sa kasalukuyan.
May ilang mga ospital rin ang inilikas ang mga pasyente makaraang kakitaan ang mga ito ng mga bitak.
Noong Martes ay umabot sa walo ang patay sa naganap rin na lindol kung saan ang epicenter ay naitala rin sa bayan ng Tulunan sa Cotabao.
Hindi bababa sa 300 ang sugatan sa nasabing pagyanig.