Stephen Curry nabalian ng kamay

Nagtamo ng bali sa kaniyang kaliwang kamay si Golden State Warriors guard Stephen Curry sa laban nito kontra Phoenix Suns.

Ayon kay Warriors General manager Bob Myers, sasailaim sa MRI at CT scan si Curry.

Depende sa magiging resulta ng MRI at CT scan malalaman kung kakailanganin siyang isailalim sa surgery.

Nangyari ang injury walong minuto at 41 segundo ang natitira sa third quarter ng laban.

Nagwagi ang Suns sa nasabing laban sa score na 121 – 110.

Read more...