65 na pasahero patay sa nasunog na tren sa Pakistan

(UPDATE) Patay ang 65 na katao matapos masunog ang isang tren sa Punjab Province sa Pakistan.

Sumiklab ang apoy matapos sumabog ang isang gas canister na ginagamit sa pagluluto.

Ayon sa railways ministry office sa Pakistan nangyari ang insidente Huwebes (Oct. 31) ng umaga kung kailan naghahanda ang mga pasahero para sa kanilang almusal sa tren sa Rahim Yar Khan District.

Maliban sa mga nasawi, sinabi ni provincial health minister Dr. Yasmin Rashid na mayroon pang 40 na nasugatan.

Dinala sa magkakaibang ospital ang mga nasugatan.

Kinumpirma naman ni human rights minister Shireen Mazar na gas cylinder na bitbit ng isang pasahero ang dahilan ng pagsabog na nagresulta ng sunog.

Read more...