Gobyerno “on top of the situation” sa lindol sa Mindanao Region

Tiniyak ng Malakanyang na on top of the situation ang gobyerno matapos ang malakas na lindol sa Mindanao Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatutok na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD).

Inatasan na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na kumilos at agad na ayudahan ang mga apektadong residente.

Pinatitiyak din ng pangulo na agad na maiabot ang lahat na relief assistance na kinakailangan.

Una rito sinabi ni Panelo na nasa Davao ang pangulo nang maganap ang lindol.

Ligtas naman aniya ang pangulo maliban sa ilang bitak sa kanyang bahay.

Read more...