Pamunuan ng Manila North Cemetery, tiniyak ang mas maayos na lagay ng sementeryo ngayong Undas

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Manila North Cemetery na pinakamaayos at mapayapa ang paggunita ngbumibisita sa pinakamalaking libingan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Roselle Castañeda, officer-in-charge ng MNC, nabuwag na ang karaniwang modus nanagaganap tuwing undas, wala na aniyang mga snatcher, magnanakaw o mga nanggugulo.

Wala na rin aniyang makalulusot sa pamamagitan ng mga hagdanan na inilalagay ng mga informal settler sa loob ng libingan, may mga foot patrol at mobile na umiikot 24/7 at 418 na pulis ang nakapakalat sa loob ng sementeryo.

Organisado aniya ang loob at labas lalo na at bawal na rin ang vendors sa loob at labas ng sementeryo.

Isa lang ang entrance sa main gate lamang at ang exit ay ang gate 2 and gate 3 lamang.

Paalala ni Castañeda, huwag na magdala ng mga bawal na gamit dahil tiyak na kukumpiskahin ang mga ito.

Sa mga kalat na basura, kumpiyansa si Castañeda na hindi na katulad ng mga kalat noong isang taon dahilmay mga trash bins na ipinakalat sa sementeryo.

Wala ring tigil ang mga street sweeper sa pagwawalis ng mga basura o mga nalalaglag na tuyong dahon.

Patungkol naman sa mga nahilo o hinimatay, mayroong naka-deploy na mobile clinic na may doctor at nurse.

Upang hindi mahirapan ang mga bibisita sa pagtungo sa mga puntod ng kanilang mga yumao, ay nagtalaga ng 150 e-trike na libreng sakay.

Read more...