Grupong Beatles nagkaroon ng “reunion” sa kanta ni Ringo Starr sa kaniyang album

Naging emosyonal ang dating miyembro ng sikat na grupong “Beatles” na si Ringo Starr sa muli niyang pagbuhay sa kanta ng bandmate na si John Lennon.

Kaugnay ito sa bagong album ni Starr na may pamagat na “What’s My Name” na inilabas noong nakaraang linggo.

Kwento ni Starr, mistulang instant reunion ng Beatles ang nasabing kanta dahil nagkaroon ng partisipasyon ang iba pang miyembro ng grupo.

Ang dati niyang bandmate na si Paul McCartney ang nasa bass guitar.

Bagamat namayapa na ang isa pang bandmate na si George Harrison, naisipan ng record producer na kumuha ng sample mula sa kantang sinulat nito para sa Beatles na “Here Comes the Sun.”

Gumamit rin sa recording ng sample mula naman sa demo recording ni John Lennon sa nasabing kanta na dapat ay kasama sa 1980 album nito na “Double Fantasy.”

Samantala, natutuwa naman ang 79-year old singer ng muling makapasok sa music charts ang “Abbey Road” kasabay ng 50th anniversary ng nasabing album ng Beatles.

Read more...