3 pulis arestado sa buy bust sa Parang, Maguindanao

Tatlong pulis ang kasama sa mga naaresto sa isang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parang, Maguindanao.

Kinilala ang mga nadakip na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, S/Sgt. Fahmi Bangon Como, at M/Sgt. Monjel Nassal Aradais na pawang nakatalaga sa Lanao del Sur.

Ang operasyon ay ginawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region at Police Regional Office-Bangsamoro Region sa Barangay Nituan.

Naaktuhan ang mga pulis na nakikipagtransaksyon ng droga sa isang undercover agent na nagpanggap na bibili ng shabu.

Nakuha sa sasakyan ng mga pulis ang ilang baril, plaka ng sasakyan, ilang police ID at police uniform.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...