Mga informal settlers na inalis at aalisin pa sa Manila North Cemetery tutulungang makauwi sa kanilang lalawigan

Courtesy: Jan Escosio | Radyo Inquirer

Magpapatuloy ang operasyon laban sa mga informal settlers sa Manila North Cemetery.

Sa isinagawang inspeksyon sa libingan, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na halso dalawang dekada nang libre at ilegal na naninirahan sa sementeryo ang maraming pamilya.

Ayon kay Moreno, ang Manila North Cemetery ay tirahan ng mga patay at bilang respeto sa mga nasawi at kanilang pamilya ay marapat lang na hindi ito payagan na gawing tirahan ng publiko.

Handa aniya ang lokal na pamahalaan na tulungan ang mga pamilya na umuwi sa kanilang mga lalawigan.

Ani Moreno, ang mga naalis sa Manila North Cemetery at mga maaalis pa ay bibigyan ng tulong-pinansyal para makauwi sa kanilang probinsya.

Hihingi din ng tulong si Moreno sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mandagdag tulong sa mga pamilyang papayag na magbalik-probinsya.

Read more...