Ayon kay Sinas, kabuuang 540 na mga pulis ang magpapalitan ng duty sa Manila North Cemetery para magtiyak ng seguridad.
Mayroon ding dalawang K9 units na nag-iikot sa Manila North Cemetery at mayroon pang intelligence personnel na makikihalubilo sa publiko.
Ayon kay Sinas, sa November 1 at 2 kung saan inaasahan ang dagsa ng publiko sa mga sementeryo ay mahigit 4,400 na mga pulis ang ipakakalat sa buong Metro Manila.
Wala namang namomonitor na banta ang NCRPO saanmang bahagi ng Metro Manila ngayong paggunita ng Undas.
Inaasahan naman ng Manila Police District (MPD) na mas marami ang dadagsa Manila North Cemetery ngayong Undas 2019 kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Bernabe Balba, noong nakaraang taon, umabot sa 1.6 million na katao ang bumisita sa Manila North Cemetery.
At dahil natapat ngayon ng weekend ang paggunita sa Undas ay inaasahang tataas pa ang bilang.