Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

Nadagdagan sa nakalipas na 24 na oras ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology, nasa 186.86 meters ang water level ng Angat ngayong alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Oct. 31.

Tumaas ito kumpara sa 186.63 meters na water level kahapon.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 100.26 meters, gayundin ang La mEsa dam na nasa 77.34 meters.

Ang water level sa Binga, San Roque, at Pantabangan dams ay nadagdagan din.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Magat at Caliraya.

Read more...