4.6 magnitude na aftershock yumanig sa Cotabato; Intensity V naitala sa Kidapawan City

Malakas na pagyanig ang naramdaman muli sa ilang bahagi ng Mindanao ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 31.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato alas 5:31 ng umaga.

May lalim na 19 kilometers ang pagyanig.

Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City.

Ayon sa Phivolcs, ang Intensity V ay ramdam na ramdam ng publiko. Maari itong makapagdulot ng pagkahulog ng mga gamit, pagkabasag at pagkatumba ng maraming bagay.

Read more...