Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 1.4 milyong pamilya o 5.6 percent ang nag-report na naging biktima sila ng common crimes sa nakalipas na anim na buwan.
Ito ay 1.4 points na mababa mula sa 7 percent o 1.7 milyong pamilya na naitala noong Hunyo.
Ang resulta ay ang pinakamababa ng bilang mula noong June 2018 kung saan 5.3 percent ang naitala.
Ayon sa SWS, kabilang sa mga karaniwang krimen ang pickpocket o pagnanakaw ng personal na gamit, break-in, carnapping at physical violence.
Lumabas din sa survey na 59 percent ang naniniwala na ang kanilang mga kapit-bahay ay kalimitang natatakot na papasukin sila ng mga magnanakaw.
Nasa 38 percent naman ang nagsabi na maraming tao sa kanilang komunidad ang adik sa bawal na gamot.