M4.4 na aftershock yumanig sa Cotabato

Isang magnitude 4.4 na aftershock ang yumanig sa Cotabato alas-12:35 Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 26 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Kidapawan City.

Naitala rin ang mga sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity III – Kidapawan City; Malungon, Sarangani

Intensity II – Tupi, South Cotabato

Intensity I – Alabel, Sarangani

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Antique alas-12:25 ng madaling araw.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 44 kilometro Timog-Silangan ng Anini-y.

May lalim itong tatlong kilometro.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang mga lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

 

Read more...