3 patay, 9 sugatan sa aksidente sa Batangas

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang siyam na iba pa sa aksidente sa Alitagtag, Batangas Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat, sinabi ni Capt. Eduardo Timbol II, hepe ng Alitagtag police, nabangga ng isang trak ang grupo ng mga tao sa isang lamay sa Barangay San Jose bandang 1:00 ng madaling-araw.

Kinilala ng mga pulis ang dalawang biktima na sina Armando Atienza at Michael Adaya.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikatlong nasawi sa aksidente.

Nananatili naman ang siyam pang biktima sa ospital.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang drayber ng trak na nakatakas matapos ang aksidente.

 

Read more...