Ilan pang aftershocks naitala sa Tulunan, Cotabato

Isang araw matapos tumama ang malakas na lindol na magnitude 6.6, naitala ang magkakahiwalay na aftershocks sa Tulunan, Cotabato araw ng Miyerkules.

Sa datos ng Phivolcs, unang niyanig ng magnitude 4.7 na lindol sa Tulunan bandang 4:00 ng hapon.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang intensity 5 sa Kidapawan City.

Naramdaman naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 4:

– Kidapawan City

– Malungon, Sarangani

Intensity 3:

– Tupi at Koronadal City, South Cotabato

Intensity 2:

– Alabel, Sarangani

Intensity 1:

– General Santos City

– Gingoog, Misamis Oriental

Makalipas ang halos dalawang oras, tumama naman ang magnitude 3.5 bandang 6:11 ng gabi.

May lalim ang lindol na 15 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Kidapawan City habang instrumental intensity 1 naman sa kaparehong lugar.

Yumanig din ang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Tulunan bandang 6:20 ng gabi.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Naitala naman ang intensity 2 sa Kidapawan City at Hagonoy, Davao del Sur.

Kapwa Walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang tatlong pagyanig.

 

Read more...