Pagdalo ni Pangulong Duterte sa APEC Summit sa Chile depende pa sa doctor

Nakasalalay pa rin sa mga doctor ang desisyon kung makadadalo o hindi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit na gaganapin sa Chile sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Presidential Protocol Robert Borje, tuloy pa rin naman ang kanilang paghahanda sa APEC Summit.

Bukod sa kalusugan ng pangulo, ikinukunsidera din aniya ng palasyo ang nangyayaring gulo ngayon sa Chile kung saan nagpapatuloy ang protesta dahil sa mga isinusulong na social reforms.

Aabutin ng mahigit dalawampu’t apat na oras o isang buong araw ang biyahe mula Pilipinas patungo ng Chile.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hinihintay pa ang resulta ng medical test na isinagawa kay Pangulong Duterte matapos makaranas ng muscle spasm bunsod ng pag semplang sa motorsiklo may ilang lingo na ang nakararaan.

Read more...