ES Medialdea itinalagang OIC ng bansa habang nasa Thailand si Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer in charge ng bansa habang nasa Thailand ang pangulo para sa ASEAN Summit sa November 2 hanggang 4.

Base sa Special Order 1182, inatasan ng pangulo si Medialdea na pangasiwaan ang pang araw araw na trabaho ng sangay ng ehekutibo.

Inaatasan naman ang lahat ng departamento, ahensya at iba pang sangay ng pamahalaan na tulungan si Medialdea bilang OIC para maging maayos ang pagbibigay serbisyo publiko.

Aalis ng bansa si Pangulong Duterte sa November 1.

Read more...