Dagdag na buwis sa tuyo, daing at dilis ibinabala ng DTI

Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga salty products kabilang na ang tuyo, daing at dilis.

Sinabi ni Lopez na kasama rin sa posibleng saklawin ng dagdag na buwis ang mga noodles.

“On the industry, lalo na pag food product, ideally walang tax sana. Lalo na yang salt. Maraming tatamaan pag salt,” ayon kay Lopez.

Nauna nang ipinanukala ng ni Department of Health Usec. Eric Domingo ang dagdag na buwis sa salty products dahil sa epekto nito sa kalusugan ng tao.

Dagdag na buwis ang nakikita nilang paraan para mailayo ang publiko sa masamang epekto ng salty products tulad ng dried fish.

“Kung gustong tax-an, tingin ko lang doon, wag lang sobrang laki na para talagang ayaw mo nang ipakain. Kasi basic yan e. Lalo na kung basic foods,” dagdag pa ni Lopez.

Sinabi ng DTI na marami nang mga bansa ang nagsasagawa ng sistema para mabawasan ang salt intake ng kanilang mga kababayan.

Sa mga pag-aaral ay lumalabas na ang labis na asin sa katawan ay nagdudulot ng hypertension, heart at kidney diseases.

Read more...