Pasok sa Supreme Court half-day lang bukas Oct. 31

Nag-anunsiyo na ang Korte Suprema na half-day lang ang trabaho sa lahat ng korte sa araw ng Huwebes, October 31.

Sa inilabas na memorandum order no. 73-2019, sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na hanggang alas dose ng tanghali lamang ang trabaho sa lahat ng korte sa bansa.

Kabilang dito ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, Presidential Electoral Tribunal (PET) at lahat ng first at second level courts.

Layon nitong mabigyan ng sapat ng oras ang mga empleyado na makapaghanda para sa Undas

Read more...