Nakabalik na ng Pilipinas si Gretchen Barretto matapos ang sandaling pamamahinga sa Amerika.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Gretchen ang larawan ng negosyanteng si Atong Ang na nilagyan pa niya ng text na “newly hired spokesperson.”
Kasama ni Ang sa larawan ang negosyanteng si Robina Gokongwei-Pe.
Kuha ang larawan sa birthday party ng may-ari ng CATS motor na si Felix Ang.
Dumalo rin sa okasyon ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.
Nagbahagi din ang aktres ng video kung saan makikita siyang naglalakad kasama ang isang babaeng kaibigan at sa isang video ay makikita naman ang kanyang partner na si Tonyboy na tumutugtog ng gitara kasama ng banda.
MOST READ
LATEST STORIES